top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga mambabatas, iba pang pulitiko kinikilan | PEKENG CONGRESSMAN, 2 PA ARESTADO

Jeff Tumbado
Aug 2, 2019
1 min read

ARESTADO ang lala­king nagpakilalang congress­man mula sa Camarines Sur at dalawang iba pa dahil umano sa pangingikil sa ilang mga kongresista at senador at maging kay Cavite Vice- Governor Jolo Revilla.

Nakilala ang mga sus­pek na sina Dennis Jose Bor­bon, Edgar Paulo Bularan at Meynard Greg Basa.

Sa press briefing ni PNP Chief General Oscar Alba­yalde, sinabi nito na dinakip sa magkakahiwalay na en­trapment operation ang tatlo.

Ayon kay Albayalde, ti­na­wagan umano ni Borbon si Revilla sa kanyang cell­phone kasabay ng pagpapa­kilala nito na siya ay si Ca­marines Sur Rep. Arnulf Bryan Fuentabella.

Batay sa naisumiteng report, sinabi ng suspek na si Borbon kay Revilla na na­wala umano ang kanyang wallet sa isang private trip patungong Coron, Palawan at nanghihingi ng P25,000.

Sa pagdududa, personal na tinawagan ni Revilla si Rep. Fuentabella at dito la­mang nalaman na hindi ito tumawag sa kanya.

Agad na isinumbong ni Revilla ang insidente sa PNP-Anti-Cybercrime Group para ma­tukoy at ma­sakote si Bor­bon.

Isinagawa ang entrap­ment operation kay Basa pa­sado alas-7:00 ng gabi ng Martes matapos tanggapin nito ang P10,000 galing kay Revilla sa pamamagitan ng local remittance center sa Ca­marines Sur.

Habang sina Borbon at Bularan ay natimbog naman alas-12:55 ng tanghali nitong Miyerkules habang kinoko­lekta ang P15,000 mula sa ATM sa Malabon City.

Nabatid naman sa toto­ong Fuentabella sa magka­samang pulong-balitaan sa Camp Crame, nasa walong kongresista at walong sena­dor ang naghayag na sila ay biktima rin ng mga sus­pek sa pangingikil.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page