Mga ex-general na sabit sa anomalya sa PCSO, dapat pangalanan at pakasuhan ni P-Duterte

KUNG POLITICAL DYNASTY ANG PAMILYA CAYETANO, POLITICAL DYNASTY DIN ANG PAMILYA DUTERTE—Tila napikon si Sen. Pia Cayetano sa “joke” ni P-Duterte kay House Speaker Alan Peter Cayetano kung kailan daw matatapos ang political dynasty ng Pamilya Cayetano. Ayon sa senadora, kaya raw nailuluklok sa poder ang kanilang pamilya ay dahil ibinoboto sila ng mga tao.
Nagkataon lang na pangulo ng bansa si P-Duterte kasi kung hindi, malamang niresbakan siya ni Sen. Pia at tinanong din kung kailan matatapos ang political dynasty ng Pamilya Duterte, boom!
◘◘◘
TOTOO BA NA “DIVERSIONARY TACTICS” LANG SA PAG-VETO SA SOT BILL ANG PAGPAPASARA NG PCSO GAMES?—Tila totoo ang usap-usapang “diversionary tactics” lang ni P-Duterte ang utos nitong pagpapasara sa PCSO games upang ilihis ang atensiyon ng publiko sa pag-veto o pagbasura nito sa “Security of Tenure” (SOT) Bill o pagbabawal ng ‘endo’ (kontraktuwalisasyon).
Nang lumamig na kasi ang isyu tungkol sa pagbasura ni P-Duterte sa SOT Bill, agad din niyang ibinalik ang operasyon ng PCSO at tila napipinto na rin niyang ibalik ang STL, Peryahan ng Bayan at Keno, boom!
◘◘◘
MGA EX-GENERAL SA ANOMALYA SA PCSO, DAPAT PANGALANAN AT KASUHAN NI P-DUTERTE—Ang ugat daw ng pagpapasara ni P-Duterte sa mga pasugalan ng PCSO ay dahil sa korupsiyon at nang imbestigahan na ito ng National Bureau of Investigation (NBI), ang sabi ni DOJ Sec. Menardo Guevarra, tila may sasabit na mga ex-general sa anomalya.
Sa isyung ito, dapat pangalanan at kasuhan ni P-Duterte ang mga ex-general na sinabi ni Sec. Guevarra na sangkot sa anomalya para mapatunayan sa publiko na hindi diversionary tactics sa pagbasura niya sa SOT Bill ang pagpapasara sa mga pasugalan ng PCSO, period!
◘◘◘
“BOY ROLEX”, NAGPAPAKOLEKTA RAW NG ‘TARA’ SA BUREAU OF CUSTOMS—Isang “Boy Rolex” daw ang nagpapakolekta ng ‘tara’ sa mga smuggler sa Bureau of Customs (BOC).
Kung totoo ito, aba, hanggang ngayon pala uso pa rin ang ‘tara’ system sa Customs, buwisit!





Comments