BALIAN NG BUTO SA ONE, BANARIO, IBA ANG KALABAN
- BULGAR

- Aug 2, 2019
- 2 min read

INAASAHAN mamayang gabi na mapagtagumpayan ni Team Lakay veteran Honorio Banario ang kanyang laban sa ONE Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City dahil pinalitan ang kanyang makasasagupa at ilang araw na lamang ay kailangan niyang mag-adjust o magpalit ng fight plan para sa paghahanda niya kontra sa bago niyang kalaban na Koreanong si “Crazy Dog” Dae Sung Park.
Makasasagupa dapat ng dating ONE featherweight champion si Timofey Nastyukhin sa semis ng ONE Lightweight tournament Grand Prix, kaya lang ay umatras si Nastyukhin dahil sa injury. Kaya naman ilang araw na lang ay kailangan niyang magmadali sa pagpapalit ng bagong fight plan. “Nastyukhin is an orthodox fighter, while Park is a southpaw, so that’s pretty much what we added in our training,” ayon kay Banario.
Samantala, apat pang mixed martial arts contests ang idinagdag at walong top-class athletes ang magsisiyapulan sa ONE: Dawn of Heroes kung saan tampok sa headline ng ONE Flyweight Muay Thai World title match sina Jonathan “The General” Haggerty at Rodtang “The Ironman,” Jitmuangnon. Ang nakaiintrigang welterweight bout ay mula sa pinakarespetadong beterano na haharapin ang undeafeated rising star na si Yushin “Thunder” Okami kontra James Nakashima.
Pagkapanalo sa unang pagkakataon ang pakay ni Okami habang ang karibal na Kano ay target ang ikatlong panalo maging ang ika-10 overall victory na wala pang bahid sa kanyang career.
Kung makukumpleto ni Nakashima ang panalo sa pinakamalaking martial arts organization, siya ang magiging malakas na challenger ni Zebaztian ‘The Bandit’ Kadestam para sa ONE Welterweight World Championship. Limang weight classes ang nakasalang, babanat si Pongsiri Mitsatit kay Miao Li Tao sa Strawweight contest. Pareho silang galing sa impresibong panalo sa unang round, isang knockout sa bisa ng panunuhod sa katawan kay Robin Catalan at demolisyon ni dating One Strawweight world champion Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke. Ang engkuwentro ng Thailand at China ay isang implikasyon ng pagkakaisa para sa weight class na pinaghaharian ngayon ni Joshua “The Passion” Pacio.
Pangmalakasang loob naman ang bitbit ng Pilipinas sa tikas nina Team Lakay’s Edward Kelly. Sariwa pa sa TKO win kontra Sung Jong Lee noong Abril, haharapin ng Pinoy hero si Xie Bin sa featherweight division. (MC)





Comments