top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Anak ng may-ari, tiklo | GUEST NG HOTEL, BINIBIDYO HABANG NALILIGO

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2019
1 min read

HULI sa CCTV ang umano’y pambo­boso sa isang turista sa tinutuluyang hotel sa Boracay.

Batay sa ulat, napansin ng biktima na bukas ang bintana ng banyo at may camera ng cellphone na nakatutok sa kanya.

Kaugany nito, tiningnan ng mga awtoridad ang CCTV recordings ng hotel at doon nila nakita ang suspek na anak umano ng may-ari ng establisimyento, na gumagawa ng kalaswaan habang kumukuha ng video ng biktima mula sa labas ng banyo.

Itinanggi naman ng suspek na kinukunan niya ng video ang hubad na babae.

Samantala, hindi na nakapagsampa ng kaso ang biktima dahil hindi na rin siya nakabalik sa isla para sa inquest proceedings.

Kaugnay nito, pinalaya ng pulisya ang suspek dahil lumagpas na sa reglementary period of detention at hindi nakapagsampa ng kaso ang biktima.(BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page