top of page

Adik ka ba sa gadget? TIPS PARA 'di lumabo agad ang mga mata

  • Donna Thea Topacio
  • Aug 2, 2019
  • 1 min read

KNOWS ba ninyo na ang August ay National Eyes Month? Sakto dahil dumarami na ang mga indibidwal na lumalabo ang mata dahil sa maka­bagong tekno­lohiya.

Kaya para mapangalagaan ang ating mga mata laban sa mga gadget na may masamang epekto rito, narito ang ilang tips namin sa inyo:

1. MAGDIYETA. Importante ang tamang pagba­lanse ng pagkain dahil ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ay makatutulong upang maiwasan ang panga­nib sa pagkakaroon ng eye problems.

2. IWASANG KUSUTIN ANG MGA MATA. Minsan, hindi maiiwasang mangati o mairita ang ating mga mata, pero ang payo ng mga eksperto, imbes na kusutin ito nang mariin ay ugaliin na lang na masahihin.

3. BAWASAN ANG BRIGHTNESS NG GADGET. May ilang gadgets na mayroong eye protection bright­ness kung saan iniiba nito ang kulay ng display light, pero kung wala kayong ganito, make sure na hin­di ninyo itotodo ang brightness dahil nakalalabo talaga ito ng mga mata.

4. UGALIING PUMIKIT-PIKIT. Ang pagpikit-pikit ay makatutu­long para maipa­hinga ang ating mga mata. Pero, hindi por­ke sinabing pu­mi­kit, eh, diretso tulog na, ha? Ha-ha-ha! Kaya mahalaga uma­no ang pagbi-blink, mga beshy!

5. GUMAMIT NG EYEDROPS. Okay din ang paggamit ng eyedrops na nabibili talaga sa mga botika. Maraming iba’t ibang klase ng eyedrops, mayroong para sa mapulang mga mata at mayroon ding para sa dry eyes. Kaya make sure na ang ipapatak ninyo sa inyong mga mata ay ‘yung tugma sa pangangailangan ninyo. Kaya bukod sa pangalagaan natin ang ating katawan, dapat ganundin ang iba pang parte nito nang sa gayun ay maging malusog tayo sa lahat ng aspeto.

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page