2 tulak timbog sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Aug 2, 2019
- 1 min read
QUEZON—Dalawang drug pushers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Ibabang Iyam, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Rommel Alejo at Christopher Laguerta, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 28 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina Alejo at Laguerta na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments