top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 pinagsasaksak ng kusinero

Maeng Santos
Aug 2, 2019
1 min read

DALAWA ang sugatan matapos pagsasaksakin ng kusinero sa loob ng isang convenience store sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Alas-11:00 ng gabi, bumibili ng pagkain sa convenience store sa Quirino Highway, Sampaguita St., Bgy. 185, Malaria sina Nico Torno, 34, at John Michael Custodio, nang komprontahin ng kanilang kalugar na si Christopher Combo, 21, ang una na nauwi sa pagtatalo.

Umalis ang suspek at pagbalik ay armado na ng patalim saka inundayan ng saksak ang mga biktima na pinagsasalag naman ng kanilang mga kamay.

Isang concerned citizen ang humingi ng tulong sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska sa kanya ang kitchen knife habang dinala naman ang mga biktima sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page