top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tagtuyot at paghihirap sa ghost month, ‘di lang sa ‘Pinas, kundi sa buong mundo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2019
  • 2 min read

AGOSTO na.

Ah, ‘Ghost Month’ na!

◘◘◘

DEKADA ‘60s, buwan ng Agosto nang bumagsak ang Ruby Tower sa Binondo, Manila.

Ito ang buwan nang ma-assassinate si dating Sen. Ninoy Aquino.

Buwan ng mga Bayani ang Agosto dahil dito nagbubuwis ng buhay ang mga martir!

◘◘◘

Ito rin ang Buwan ng Wika dahil sa araw na ito isinilang ang Ama ng Wika na si dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Bakit Buwan ng mga Bayani ang Agosto?

Dahil ang mga isinilang dito ay “made in December” o bunga ng honeymoon sa pinaka­masaya at banal na buwan ng kapaskuhan!

◘◘◘

Gayundin, pinaniniwalaan ng marami na buwan ito ng pagdarahop dahil walang trabaho ang mga obrero sanhi ng dispalinghadong klima. Sobrang ulan na kapag tumila, papalit ang sobrang init.

Idagdag pa ang epidemya o pagkakasakit!

◘◘◘

KAWIT-ANG-PALAKOL ang tawag ng mga Tagalog sa Agosto dahil noong sinaunang panahon, ang no. 1 na trabaho ay magkaingin o magtabas ng kahoy sa mga bundok at gubat upang gawing uling at panggatong.

Walang nagsusunog ng bundok o kaingin tuwing Agosto dahil maulan!

◘◘◘

ANG pangunahing gamit sa trabaho ay “palakol” na simbolo ng hanapbuhay, “katumbas” ng lilik ng magsasaka.

Dahil maulan, nakasabit o nakakawit ang palakol sa dingding ng mga bahay.

Ibig sabihin, walang trabaho, walang delihensiya, walang pambili ng pagkain.

Kawit-ang-palakol na ang ibig sabihin ay taghirap o pagdarahop ang buhay ng mamamayan!

◘◘◘

MAGKAHALONG hirap at trahedya raw ang dulot ng Agosto hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Ito ang dahilan kaya ito binansagang ‘Ghost Month’.

Ang mga kumakalam ang sikmura ay nagdedeliryo nang gising kaya nagha-hallucinate o nakakakita ng multo!

◘◘◘

Ang Agosto rin ay ika-8 buwan ng taon kung saan ang no. 8 ay idinidikit sa pinakamatinding negatibong karanasan.

Sumisimbolo ito ng “extreme” o grabeng sitwasyon ng buhay, positibo o negatibo man.

Kapag nakontrol ng mga isinilang sa Agosto ang no. 8, maaabot niya ang pinakamataas na antas ng tagumpay.

‘Yan ang dahilan kaya sa petsang ito isinisilang ang mga martir at bayani.

Sila ang mga tao na ang negatibong sitwasyon ay ginamit na hagdanan tungo sa ibayong tagumpay tulad ng pinakadakilang pagbabago sa lipunan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page