top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Riding-in-tandem na isnatser, gumagala

  • Gina Plenago
  • Aug 1, 2019
  • 1 min read

NABIKTIMA ng dalawang isnatser na magkaangkas sa motorsiklo ang isang Chinese sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Lin Ding, 24, dalaga, ng Bgy. Poblacion, Makati City. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng riding-in-tandem.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang snatching sa kahabaan ng Nicanor St., Bgy. Poblacion, alas-11:30 ng gabi.

Naglalakad mag-isa ang dayuhan nang biglang sumulpot at lapitan siya ng mga suspek na nakamotorsiklo hanggang sa hablutin ang kanyang bag na naglalaman ng mga ID, wallet na may P30,000 cash at dalawang cellphones.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad para sa ikadarakip ng mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page