Para ‘di raw ikudeta | DIGONG, NAGPAPALAKAS SA MILITAR
- Mylene Alfonso
- Aug 1, 2019
- 1 min read

MAHIGPIT na pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapalakas siya sa hanay ng militar upang hindi umano siya ikudeta.
“You know, ang iba sabi na nagpapalakas ako sa military para hindi ako ma-kudeta.” ani P-Duterte sa gitna ng kanyang talumpati sa Taguig City.
Giit ni Duterte, hindi ang militar o pulisya ang nagluklok sa kanya kundi ang taumbayan.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin umano siya makapaniwala na siya na ang pangulo ng bansa.
“You know it was not the military or the police who elected me president.
Taumbayan. And to this day, I am still wondering how I made it to this position. In others, I was not even given the Chinaman’s chance to make it,” sabi pa ng pangulo.
Kabilang sa ibinida ng Chief Executive na mga retiradong sundalo na miyembro ng kanyang gabinete na kilala niya kahit noong alkalde pa siya tulad nina Isidro Lapeña, Director General ng Technical Education and Skills Development Authority; Sec. Delfin Lorenzana ng Department of National Defense; Chairman Eduardo del Rosario ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Sec. Roy Cimatu ng Department of Environment and Natural Resources.
“Sila Sid, Lorenzana, Del Rosario, Cimatu, they were assigned in my area. I know them and they know me,” dagdag pa nito.





Comments