top of page

Pabida ni DFA Sec. Locsin sa socmed, nalaos kay Mayor Isko

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2019
  • 2 min read

DFA SEC. LOCSIN, TAOB KAY MAYOR ISKO SA SOCIAL MEDIA—Kung pabida sa social media ang pag-uusapan, walang binatbat si Department of Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. kay Manila Mayor Isko Moreno.

Noon, ang mga post sa Twitter ni Sec. Loc­sin ang madalas pag-usapan ng publiko, pero nang manalo si Mayor Isko bilang alkalde ay biglang nalaos ang mga post niya (Sec. Locsin) dahil pabida ng Manila mayor na ang inaabangan nga­yon ng taumbayan, boom!

◘◘◘

“AGAWAN NG JO¬¬WA SA SHOWBIZ”, INALMAHAN NG MA¬RAMI, PANG-AAGAW NG CHINA SA TERI-TORYO NG PILIPINAS, DEDMA LANG SA IBA—Ma¬ra¬mi ang nagalit at tala¬gang umingay ang “agawan ng jowa sa showbiz” sa pagitan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto.

Hay naku, buti pa ang isyung ‘yun, pinakia¬laman ng mga Pinoy, pero nang agawin ng China ang mga teritoryo ng bansa, parang hindi man lang inalmahan ng karamihan, partikular ng DDS at todo-tanggol pa sa mahal nilang pangulo, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

UMENTO SA SU­WELDO NG MGA GURO AT NURSE, MATAGAL NA PA­NA­HON ANG HININ­TAY BAGO NAAPRUBA­HAN —Sa nakaraang SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Duterte, nag-promise itong daragdagan na ang suweldo ng mga guro at nurse. Ayon kay Department of Finance Sec. Carlos Domin­guez, inaabot talaga ng tatlo hanggang apat na taon bago magpatupad ng bagong salary increase.

Samantala, inamin naman ng pangulo na hindi kalakihan ang aasahang salary increase ng public school teachers at nurses.

Oks na ‘yan kaysa puro trabaho ang mga guro at nars, pero wala na­mang increase ang su­wel­do, nakakaiyak ‘yun!

◘◘◘

TRADISYONG RIOT” SA SONA, NA­WALA NOONG SO­NA NI P-DUTER­TE —Sa mga nakalipas na SONA ni P-Duterte at maging ng ibang na­ging pangulo ay parang tra­disyon nang nagba­ba­na­tan ang mga pulis at militante. Pero nitong katatapos lang na SONA ng pangulo noong July 22, naging peaceful dahil walang naganap na “riot” sa pagitan ng mga parak at ralista.

Ang dahilan kaya peaceful ang rally ay nagkasundo sina NCR­PO Director, Maj. Gen. Guillermo Eleazar at Bayan Muna leader Renato Reyes na kapwa nila babantayan ang kanilang mga hanay, kaya ang resulta nang matapos ang SONA ni P-Duterte, walang naganap na gulo.

Palakpakan naman d’yan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page