top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nagnakaw ng panty | CONSTRUCTION WORKER, PINATAY SA GULPI

Jeff Tombado
Aug 1, 2019
1 min read

UTAS ang isang construction worker makaraang mabugbog nang mapagbintangang nagnakaw ng mga panty ng dalawang babae sa Tagbiliran City, Bohol, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Corporal Joseph Elic ang napatay na si Jessie Chan Romorosa, 39, residente ng Bgy. Tupas, Antequera.

Si Romarosa ay naimbitahan ng kanyang kaibigan na dumalo sa piyesta ng Bgy. Dampas, kamakalawa ng hapon at kapwa sila bumisita sa bahay ng isang Dioscoro Daño sa Sitio Candait.

Nagkaroon ng inuman hanggang sa bandang alas-6:00 ng gabi ay minabuti ni Daño na magpahinga ngunit, nagising sa komosyon.

Binugbog umano ng anak ni Daño na si Jestoni, 28, si Romorosa na pinaratangang nagnakaw ng ilang nakasampay na mga panty sa naturang bahay.

Sinubukan pa umano ng nakatatandang Daño na pigilan ang anak at nagpasaklolo na rin sa mga barangay tanod.

Agad tumakas ang suspek at isusugod na sana sa ospital si Romorosa ngunit, wala na rin itong buhay.

Pinaniniwalaang hinampas ng matigas na bagay sa kanyang ulo ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Nang siyasatin ng pulisya, nakita ang dalawang panty sa loob ng brief ng biktima.Patuloy na ang pagtugis ng mga awtoridad sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page