top of page
Pokwang.jpg

Hamon kay P-Du30, pangakong "Anti-Endo Bill", panindigan!

Ryan B. Sison
Aug 1, 2019
1 min read

MARAMI ang nagprotesta nang i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure Bill na may layong tanggalin ang sistemang end of contract (endo) o “labor-only” contracting sa bansa.

Sa kabilang banda, ang desisyong ito ng pangulo ay may maganda umanong epekto sa ekonomiya. Ito ay dahil marami pa ring natutulungang manggagawa ang short-term contractual employment, lalo na sa mga kumpanyang maliliit lang.

Gayunman, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 5.1 percent ang unemployment rate noong Abril kumpara sa 5.5 percent sa kaparehong buwan noong 2018.

Sa katunayan, may mabuti at masamang epekto talaga ang pag-alis at pagkakaroon ng endo dahil kapag walang endo, hindi na kakailanganin pang magpalipat-lipat ng trabaho ng mga empleyado.

Pero, ‘ika nga, ang regularisasyon ay hindi hinihingi kundi pinaghihirapan, kaya kahit may endo o wala, kung karapat-dapat kang manatili sa kumpanya, posible itong mangyari.

Samantala, kapag may endo, mas darami ang oportunidad na trabaho dahil mabibigyan ang iba ng tsansa na magkaroon ng puwesto sa partikular na kumpanya.

Pero, dahil nasa demokratikong bansa tayo, ang dapat na maging prayoridad ng gobyerno ay ‘yung kagustuhan at makabubuti para sa lahat.

Kaya para maging maayos na ang isyu hinggil sa trabaho, dapat panindigan ng pangulo ang mga pangako niya!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page