top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dinala sa bahay ng kaibigan ng musical actor… KANG SUNG WOOK, GUILTY SA RAPE, 5 TAONG KULONG!

  • Lee Vin Nia
  • Aug 1, 2019
  • 1 min read

GUILTY sa kasong rape ang mu­sical actor na si Kang Sung Wook at napang mabilanggo ng limang taon. Ito ang ibinalita ng MBN’s News 8 last July 30.

Ayon sa report, nangyari ang insi­dente noong August, 2017 sa Busan kung saan ay magkakasamang kumain sa isang restaurant ang aktor, isang lalaking kai­bigan at dalawang babae na nagtatra­baho bilang bar waitresses.

Dinala raw ni Kang Sung Wook ang dalawang babae sa bahay ng kasama niyang male friend at pinangakuan ng additional charge.

Nauna raw umuwi ang isang babae pero ang isa ay pinigilan umano ni Kang Sung Wook at ng kaibigan nito na uma­lis at dito na nga raw ni-rape ang babae.

Nagsampa ng kasong sexual assault ang biktima pero depensa ni Kang Sung Wook ay gold-digger ang babae at nag­salita pa ng “Who would believe a wo­man like you?”

Sa hearing ng kaso ay nakita sa Seoul Central District Court na hindi nagsisi­nu­ngaling ang biktima.

“The victim’s testimony is consistent and she has never tried to get money out of the defendant,” paha­yag ng korte at hinatulan ng 5 years imprisonment ang aktor.

Sa ngayon ay naghain na ng appeal ang mga abogado ng 35-year-old actor.

Si Kang Sung Wook ay nag-debut sa musical na Phantom of the Opera in 2015 at lumabas sa ilang musical productions tulad ng The Sorrows of Young Werther, Newsies, and The Goddess is Watching.

Subalit, mas nakilala siya ng mga tao sa Channel A romance variety show na Heart Signal. He also appeared last year in the KBS drama Marry Me Now.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page