top of page
Pokwang.jpg

BALIBAGANG PANG-5 GOLD MEDAL PIPILITIN NG JUDO SA 30TH SEAG

Gerard Arce
Aug 1, 2019
1 min read

LIMANG gintong medalya ang susubuking sungkitin ng national athlete’s ng koponang Judo sa darating na 30th edition ng Southeast Asian Games sa bansa na magbubukas simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang inihayag ni Philippine Judo Federation (PJF) president Dave Carter na kaya nilang malampasan ang dalawang gintong medalya noong nakalipas na biennial meet sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Muling pangungunahan nina 2018 Asian Games silver medalist at 3-time SEA Games champion Kiyomi Watanabe (Half-Middleweight, -63kgs), at 2017 gold medal winner Mariya Takahashi (Middleweight, -70kgs) ang kampanya ng national Lady judokas, kung saan sa kanila nagmula ang dalawang gold medal ng bansa.

“As much as possible, we will try our best to get that overall title in our event to be able to help our country secure the general championships in the SEA Games,” wika ni Carter, na susubuking mahigitan ang 2 gold at 3 bronze medal simula Dis. 4-7 sa LausGroup Event Centre sa New Clark City sa Pampanga.

Dalawa pa sa inaasahan ni Carter na malaking posibilidad na makapagbulsa ng gold medal ay ang magkapatid na Nakano na sina Shugen at Keisei na sasabak sa Half-Lightweight (-66kgs) at Lightweight (-73kgs) categories, ayon sa pagkakasunod.

Nakuha ng magkapatid ang parehong tansong medalya sa 2017 biennial meet sa parehong mga division.

“For now, iyong panglimang gold, hindi ko muna babanggitin kung sino, pero malaki ang chances natin,” pahayag ni Carter sa panayam sa kanya sa telepono, na sinabing malakas umanong makakalaban ang Indonesia na nakakuha ng overall title ng 2017 meet, gayundin ang Thailand, Vietnam at Malaysia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page