POSADAS-WONG, PINAKA-ASTIG NA BOWLER, TAN, MAY IBUBUGA RIN

KASALUKUYANG itinuturing na pinakamalupit na babaeng bowler sa buong Asya si Lara Posadas- Wong ng Pilipinas habang nasa 3rd place naman sa kalalakihan si Merwin Tan base sa pinakahuling talaan na ipinalabas ng Asian Bowling Federation (ABF). Mataposnapumangalawa sa katatapos na Hong Kong International Open bukod pa sa pagiging bridesmaid sa Philippine Bowling Federation (PBF) International Championships, mayroon nang nakolekta si Posadas- Wong na 102 puntos.
Naiposte rin ng Pinay ang pinakaunang korona sa ABF Tour nang mangibabaw sa Hong Kong Leg sa SCAA Bowling Center. Sampung puntos sa likod ng Pinay ay si Milki Ng mula sa Hong Kong samantalang nakabuntot sa pambato ng dating crown colony sina Iliya Syamim (Singapore, 79 puntos), Yanee Saebe (Thailand, 77 puntos) at Nur Amirah Auni (Malaysia, 76 puntos).
Samantala, ang naipon ni Tan na 132 puntos ay sapat na para siya makaupo sa 3rd place sa likod ng mga nangungunang sina Malaysians Rafiq Ismail (191 puntos) at Ahmad Muaz (140 Puntos). Ginamit na armas ng youth standout na si Tan sa pagpasok sa top 3 ng Asya ang pag-akyat sa trono ng PBF International tilt kamakailan at ang pagiging pangatlo rin ng binatilyong Pinoy sa Hong Kong International Open.





Comments