MARLINS, ANGAT SA LIDERATO SA MPBL LAKANDULA CUP
- BULGAR

- Jul 31, 2019
- 1 min read

MABAGAL muna ang simula ng reigning southern division champion Davao Occidental pero ibinuhos na nila ang kanilang lakas sa huling peryodo upang mailagay sa alanganin ang SOCCSKSARGEN, 104-75 sa MPBL lakan Season noong Lunes ng gabi sa Navotas Sports complex.
Dinale ng Cocolife-backed Tigers ang Marlins, 36-13 sa final period upang itala ang ikanilang ikaapat na sunod na panalo sa torneo na itinatag ni Senador Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang Commissioner.
Umangat ang Davao Occidental sa posisyon at sumalo sa liderato kasalo ang Bacoor sa southern division na hawak na pareho ang 6-1 win-loss card. (MC)





Comments