top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Last year pa raw, ngayon lang inilabas ng aktres… VIDEO NA OBYUS NA BUNTIS SI JULIA, KALAT NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2019
  • 2 min read

VIRAL ngayon at pinag-uusapan ng mga netizens ang short video na ipinost ni Julia Montes sa kanyang Instagram account bilang pagbati sa kaarawan ng German father niyang si Martin Schnittka.

Ang nasabing clip ay tila old video noong panahong nasa Germany siya kasama ang ama.

“To my Gentle Giant, my King, my person... HAPPY BIRTHDAY, Papa!” ang caption ni Julia.

Sa video ay makikitang sweet na sweet ang mag-ama habang naglalakad sa street at bakas na bakas sa aktres ang kaligayahan.

Pero ang talagang nakaagaw sa pansin ng mga netizens ay ang tummy ni Julia na anila ay malaki raw at mukha talagang buntis that time.

Matatandaang nagpunta si Julia sa Germany noong November of 2018 para mag­bakasyon at makasama ang ama. Pero umabot nang ilang buwan ang bakasyon ng aktres kaya rito na naglabasan ang espeku­lasyong preggy siya at diumano’y si Coco Martin ang ama.

Last April naman ay napabalitang nanganak na si Julia pero up to now ay wala pang kumpirmasyon mula sa aktres or kahit kanino na malapit sa kanya or kahit mula mismo kay Coco. Kaya ang tsikang ito ay nananatiling haka-haka pa rin.

Sa nasabing recent post ni Julia ng short clip habang nasa Germany siya, lumutang na naman ang tsismis that she was pregnant dahil nga napansin ng mga netizens na malaki ang puson niya.

“This was winter in Germany that usually starts in Dec-March. Nabalitang na­nga­­nak na siya. Wish her well and the baby,” komento ng isang netizen sa Twitter.

“Feeling ko po, hindi ito latest. I mean, noong sa Germany pa po siya siguro nito at nanganak na siya. Pero sobrang tapang niya para i-post ito. Again, congratulations, Julia. We love you so much,” reply tweet naman ng isa pa.

“Kitang-kita pala ‘yung shape ng tummy. Germany kuha ang video dahil ‘yung outfit at setting, obvious sa Europe. So, hindi recent, baka last year pa nu’ng nandu’n pa siya,” reaksiyon naman ng isa pa.

May mga nagtanggol kay Julia at nagsa­bing hindi naman daw malaki ang tiyan nito sa video. May nagsabi ring may nakalagay kasing sling bag sa parteng tiyan nito kaya nagmukhang malaki.

“All we heard are rumors and speculations that she allegedly gave birth. There was never a confirmation from either parties involved. Hence, we refuse to believe the rumors, but the video posted by Julia is enlightening in some way,” de­pensa naman ng isang fan.

“Alam mo ba na grabe ‘yung paninirang puri at pamba-bash na tinanggap ni Julia dahil sa buntis issue? If you’re really a fan of hers, you’re going to protect her and delete those photos and let her speak first,” komento naman ng isa pang fan.

Ang iba naman ay nag-congratulate kay Julia at nag­sabing masaya raw sila para sa aktres kung totoo ang tsismis.

Well, ang masasabi lang namin, agree kami sa isang nagtanggol kay Julia na wala pang kumpirmasyong nabun­tis at nanganak ang aktres kaya huwag munang basta-basta mag-conclude or manghusga.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page