Hamon kay P-Digong: PCSO tapos na, Customs, next!

INARESTO ang 21 Pinoy sa Mexico dahil sa illegal drugs.
Huwag sana silang mang-aagaw ng baril doon!
◘◘◘
HINDI dapat dumayo sa Mexico ang mga Pinoy para sa iligal na droga.
Sa Quezon at Samar, saku-sako ang cocaine na itinatapon lang sa dagat.
Kapag hindi nailusot sa Customs, sa dagat idinaraan ang mga illegal drugs sa Pilipinas!
◘◘◘
ISANG alyas Doray ang reyna ngayon sa ismagling.
Malakas ang kapit nito sa mga may kontrol sa Customs!
◘◘◘
ISANG alyas Kimberly ang hindi pa rin nahuhubaran sa Customs.
Kung naipasara ni P-Digong nang sabay-sabay ang mga lotto outlets, bakit hindi niya ipasara nang sabay-sabay ang mga kaduda-dudang negosyo ng importers, brokers at consignees!
◘◘◘
MALINAW na may kapangyarihan ang Malacañang na agad ipasara ang mga tiwaling importers at Customs players.
May ulat na aabot sa 100 customs personnel ang masisibak ni P-Digong!
◘◘◘
ALIN ba ang grabe, ang illegal gambling gamit ang PCSO o ang illegal drugs gamit ang Customs?
Parehong korup ang naturang ahensiya kung saan ninanakaw ng mga buwitre ang salapi ng bayan!
◘◘◘
ANONG lakas at kapit ni alyas Doray sa Customs?
Inutusan ni P-Digong ang NBI na mag-imbestiga sa Customs.
Imposibleng hindi kilala ng mga NBI agents sina alyas Doray at alyas Kimberly.
Hindi kaya may “tara” na ito sa kanila?





Comments