top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

DPWH official, natagpuang patay sa kotse

Jeff Tumbado
Jul 31, 2019
1 min read

ISANG opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang kotse habang ito ay nakaparada sa kahabaan ng Bypass Road sa Baliwag City, Bulacan, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang opisyal na si Alejandro Centeno, residente ng Bgy. San Juan. Ayon kay Police Major Avelino Protacio, wala silang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima.

Si Centeno ay hepe ng Quality Assurance Section ng DPWH Second Engineering District Office sa Sta. Maria.

Napag-alamang hindi nakauwi si Centeno sa kanilang bahay mula noong Linggo at iniulat na nawawala sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang pamilya sa social media.

Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng awtopsiya para malaman kung ano ang dahilan sa pagkamatay ni Centeno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page