DOLE, to the rescue sa mga empleyado ng PCSO
- Ryan B. Sison
- Jul 31, 2019
- 1 min read

MALAKING kontrobersiya ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) games sa buong bansa.
Ito ay dahil sa isyu ng korupsiyon na matagal nang nangyayari sa kumpanya. Sa nangyaring ito, maaaring masolusyunan ang problema sa korupsiyon, pero kawawa naman ang ilang manggagawa na hindi man lang naabisuhan.
Libu-libong empleyado ang biglaang nawalan ng trabaho na paniguradong makaaapekto sa kanilang kinabukasan lalo na ‘yung may mga pamilyang binubuhay.
At dahil likas namang matulungin ang mga Pinoy, good news dahil ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, handang tumulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) para makapagbigay ng pansamantalang trabaho sa mga manggagawa ng PCSO.
Dapat lang dahil sila ang may layuning tumulong lalo na kung tungkol sa trabaho at nasa ganitong sitwasyon.
Sa kabila nito, dapat pa rin umanong patuloy na magpasuweldo ang PCSO sa mga manggagawa nang sa gayun ay mayroon silang panggastos, araw-araw.
Kaya ang panawagan natin sa lahat ng apektado, lumapit sa DOLE at makipagtulungan para na rin sa inyong kapakanan.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments