Socmed, puro fake news dahil sa kagagawan ng ilang pulitiko
- BULGAR

- Jul 30, 2019
- 1 min read
MARAMING mayor ang nakigaya kay Mayor Isko.
Kung ano ang Maynila, siya ang buong bansa!
◘◘◘
MAY nangyaring patayan sa Negros Oriental.
‘Yan ang giyera-sibil!
◘◘◘
BIGO ang media na mabunyag ang ugat ng patayan.
Walang opisyal na pahayag ang Malacañang sa kaguluhan sa Visayas.
Dahil d’yan, natsitsismis ang deklarasyon ng Martial Law dito!
◘◘◘
ANG patayan ay karaniwang nag-uugat sa pagdarahop.
Maaaring wala nang makain ang sektor ng mga magbubukid!
◘◘◘
MARAMING liblib na lugar sa Negros Oriental ang nagdarahop, pero dinededma lang ng gobyerno na nakabase sa Maynila.
‘Yan ang ugat sa pagdami ng NPA o armadong grupo rito!
◘◘◘
MEDIA lamang ang maaaring makapagsaliksik at mag-ulat dito nang patas.
Ang problema, may ilang media outfit na biased o hindi patas ang ginagawang pag-uulat kaya nabababoy ang larangan ng pamamahayag!
◘◘◘
SA alinmang problema, kailangang masuring mabuti ang ugat ng gusot.
Ito ay upang magkaroon ng eksaktong solusyon!
◘◘◘
GANYAN din sa illegal gambling.
Walang kakayahan ang mamamahayag na iulat ito ng patas!
◘◘◘
ANG social media ay bagong inobasyon ng pamamahayag, pero ito ay pinutakte naman ng mga palsipikadong ulat dahil na rin sa “professional operators” ng mga pulitiko.
Nababoy nang todo ang larangan ng pamamahayag!





Comments