GOLD SINUNGKIT NI OCHOA SA ASIAN JIU-JITSU C’SHIPS
- Gerard Arce
- Jul 30, 2019
- 2 min read

NAG-UWI ng 7 medalya kabilang ang isang ginto ang koponan ng Jiu-Jitsu sa bansa sa nagdaang 2019 Asian Jiu-Jitsu Championship sa Ulaanbaatar, Mongolia noong Hulyo 17-22 bilang preparasyon sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games sa bansa.
Isinukbit kay Jiu-jitsu specialist Meggie Ochoa ang nag-iisang gintong medalya ng bansa matapos payukurin si Alyafei Wadimah ng United Arab Emirates para sa silver, habang nakuha ni Munkhjargal Namuuntsetseg ng Mongolia ang tansong medalya.
“Nothing but absolute gratitude for everyone that made this possible. So grateful to my coaches for constantly being there and for telling me exactly what I need to know and do during my matches,” wika ng 29-anyos na 3-time world champion.
Ibinulsa ni Abu Dhabi World Professional Jiu-Jitsu champion Annie Ramirez ang isa sa apat na pilak ng bansa nang hindi ito pinalad laban kay Onanong Sangsirichok ng Thailand, habang napunta ang tanso kina AlHinaai Maha ng UAE at Lien Constance ng Singapore sa 57-kgs category.
Sina Jollirine Co (Female -48kgs), Andrea Lao (female -63kgs) at Carlo Peña (male -56kgs) ang mga nalalabing kumuha ng silver medals matapos yumukod kina Kanjutha Phattaraboonsorn at Orapa Senatham ng Thailand at Zayed Alkatheeri ng UAE, ayon sa pagkakasunod. Napagwagian nina Kaila Napolis ang female -52kgs at Kimberly Custodio ang female -48kgs.
Ayon kay Philippine National Coach Hans TioCo, umaasa silang magiging malaking tulong ang kompetisyong ito upang mas lalo pang mapatatag ang motibasyon at preparasyon ng tropa para sa biennial meet na eksaktong nakalatag sa Disyembre 9-10 sa LausGroup Event Centre sa San Fernando, Pampanga. Inaasahang kukuha ng gold medal sa biennial meet sina world champions Ochoa (women’s -45kgs), Ramirez (women’s -57kgs) at Gian Dee (men’s -62kgs) habang tutulong sa kampanya sina Marc Lim (men’s -69kgs), Apryl Eppinger (women’s -63kgs), Kaila Napolis (women’s -52kgs), Dean Roxas (men’s -85kgs) at Luigi Ladera (men’s +94kgs) sa pagkuha ng medalya sa SEA Games.





Comments