top of page
Pokwang.jpg

Endangered species, iba’t ibang uri ng isda nasabat | 6 dayuhan at 3 pinoy, timbog

Jeff Tumbado
Jul 30, 2019
1 min read

ANIM na Indonesian nationals at tatlong Pinoy ang dinakip ng mga operatiba ng Special Operations Unit (SOU) ng PNP-Maritime Group matapos masabat sa kanila ang iba’t ibang uri ng isda na karamihan ay pawang endangered species na iligal na hinuli sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi, kamakalawa.

Kabilang sa mga nasamsam ay mga pating na kabilang sa endangered species na nanganganib nang maubos sa karagatan.

Batay sa report ng Maritime police, nadakip ang 9 personalidad kabilang ang anim na dayuhan at tatlong Pinoy na sakay sa foreign vessel ilang saglit nang makapasok ito sa Philippine Territorial waters sa bahagi ng Tawi-Tawi. Nasa kustodiya na ng Maritime group ang mga ito at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page