Dini-discriminate raw siya, Robin… BB, TINAWAG NA RUSTOM NI RICKY LO, TODO-EMOTE


NAGLABAS ng saloobin si BB Gandanghari sa kanyang social media account dahil sa ginawang pagtawag sa kanya ng veteran entertainment editor na si Ricky Lo sa dati niyang pangalan na Rustom, pati na ang pagtukoy sa kanya bilang “him.”
Sunud-sunod din ang pa-hashtag ni BB Gandanghari after ihayag ang kanyang saloobin gaya ng #LGBTQ, #BIGOTRY, #NoToDiscrimination, #Offensive, #GenderEquality at iba pa.
Narito ang nilalaman ng mensaheng ipinost ni BB sa kanyang Instagram, “A friendly reminder of what is misgendering? For people who are transgender, nonbinary, or gender nonconforming, coming into their authentic gender can be an important and affirming step in life,” simula ng post ni BB.
Naiintindihan naman daw niya ‘yun, pero ito lang ang nais niyang ipaalala at bigyang-diin, “Sometimes, people continue to refer to a person who is transgender, nonbinary, or gender nonconforming using terms related to how they identified before transition.
“This is known as misgendering. Misgendering occurs when you intentionally or unintentionally refer to a person, relate to a person, or use language to describe a person that doesn’t align with their affirmed gender. For example, referring to a woman as ‘he’ or calling her a ‘guy’ is an act of misgendering,” pagtatapos ng kanyang mensahe.
Matagal-tagal na rin namang nananahimik si BB Gandanghari nang manirahan siya sa America. Ang huling nabalitaan sa kanya ay nu’ng ma-discriminate siya diumano at ibalitang nagtatrabaho siya bilang taxi driver sa America.





Comments