Dagdag-bawas sa presyo ng gas

MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ngayong araw.
Sa anunsiyo ng Pilipinas Shell, epektibo alas-6:00 ng umaga, magtataas ng 15 sentimos sa kada litro ng diesel at 10 sentimos sa kerosene kasabay ang P0.95 na bawas-presyo sa gasolina.
Hindi naman nagpahuli ang Petro Gazz na nagpatupad ng kaparehong taas-presyo sa diesel at bawas-presyo sa gasolina.
Matatandaang, kamakalawa ng umaga nang unang magpatupad ng bawas-presyo sa halagang P1.00 sa gasolina ang Phoenix Petroleum at wala namang paggalaw sa presyo ng diesel nito.
Ang bagong price adjusment ay kaugnay sa paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.





Comments