Binawing Electronics Engineering Certificate of Registration, 2 yrs. pa bago maibalik

Dear Chief Acosta,
Isang taon na ang nakalipas matapos ipag-utos ng Professional Regulatory Board of Electronics Engineering ang revocation ng aking Certificate of Registration. Kailan kaya maaaring ma-reissue ang aking Certificate of Registration? — Noel
Dear Noel,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 24 ng Republic Act No. 9292 na mas kilala bilang “Electronics Engineering Law of 2004” kung saan nakasaad ang sumusunod:
“Section 24. Reinstatement, Reissuance or Replacement of Certificate of Registration and Professional Identification Card. – The Board may, two (2) years after the revocation of a Certificate of Registration and Professional Identification Card, upon application and for reasons deemed proper and sufficient, reinstate the validity of a revoked Certificate of Registration and Professional Identification Card, subject to compliance with the applicable requirements of the Commission, and the Board: Provided, That he/she did not commit any illegal practice of the profession or any violation of this Act, its rules, codes and policies during the times that his/her Certificate of Registration and Professional Identification Card was revoked. xxx (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, matapos ang dalawang taon mula sa revocation ng inyong Certification of Registration ay maaaring muling mag-issue ng nasabing sertipiko ang Professional Regulatory Board of Electronics Engineering kung sakaling kayo ay maghahain ng aplikasyon na may kaakibat na angkop na dahilan para sa reinstatement nito. Matapos ang nasabing aplikasyon, maaaring ma-reinstate ang inyong Certificate of Registration sang-ayon sa mga alituntunin ng Professional Regulatory Commission at ng Professional Regulatory Board of Electronics Engineering. Subalit, sa panahon ng revocation ng Certificate of Registration, ang nasabing aplikante ay hindi dapat gumawa ng illegal practice ng kanyang propesyon o lumabag sa nasabing batas at mga alituntunin at polisiya nito.
Sa inyong sitwasyon, hindi pa kayo maaaring maghain ng aplikasyon upang ma-reissue ang inyong Certificate of Registration, dahil hindi pa natatapos ang dalawang taon mula ng revocation nito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments