top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Aktres, after iwan ni Gerald para kay Julia… DEREK, TO THE RESCUE, NAGPARAMDAM KAY BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 30, 2019
1 min read

MARAMI nang parami ang mga artistang sumusuporta sa pinagda­raanan ni Bea Alonzo ngayon ma­tapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Gerald Anderson, kung saan ay dawit din si Julia Barretto.

Matapos ang trending na “ghosting” tweet ni Paulo Avelino bilang pagpapahayag ng suporta kay Bea, ang latest naman na nagbigay ng encouraging words sa ak­tres ay si Derek Ramsay.

Nag-post si Derek ng larawan nila ni Bea sa Instagram at sa caption, he wrote, “One of the strongest, smartest and talented women I know. You are amazing @beaalonzo Keep smiling!!!!!!”

Umani nang katakut-takot na likes ang post na ito ni Derek bilang pagsuporta rin kay Bea. Sa comment section ay may ilang artista rin na nag-comment tulad nina John Arcilla at Bianca Manalo.

May mga netizens din na nagru-root sa dalawa at komento nila, bagay daw ang mga ito. May mga pumuri rin sa sweetness ni Derek na i-comfort si Bea at kailangan daw talaga ng aktres ngayon ang mga tunay na kaibigan.

May isang netizen na hindi maganda ang naging comment. Sabi nito kay Derek, “Tirahin mo agad p’re para maka-move on na siya.”

Hindi ito nagustuhan ni Derek at sinagot ang bastos na netizen ng, “‘Wag kang bastos!!!”

Ilang beses na ring nagka­sama sina Derek at Bea sa mga pro­yekto at nakakatuwang napa­natili nila ang pagiging mabuting magkaibigan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page