Aktor, biglang nag-iba… JOSHUA, SUPER-HAROT KAY JULIA, BEHAVE KAY JANELLA
- BULGAR

- Jul 30, 2019
- 2 min read

IN pernes, aliw kami sa ginawang post sa socmed ng Grab Philippines na pinagsama-sama ang mga photos ng ex and present girlfriend ni Gerald Anderson na tipong “share a grab,” ha?!
Kaya sa grand mediacon ng The Killer Bride of Kapamilya Network ay gusto sana ni yours truly na tanungin ang dalawa sa lead cast nito na sina Maja Salvador at Joshua Garcia kung willing ba silang mag-share a bride, este, mag-share a grab kina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Pero, ‘di na namin itinanong, at oks lang para iwas-pusoy or iwas-banned na rin if ever. If ever lang! Insert smiley, J!
Basta inisip na lang namin during the Q&A portion sa nasabing grand mediacon na JoshLia out, JoNella in, ‘coz ang ka-partner dito ni Joshua Garcia ay si Janella Salvador.
And take note, ibang-iba ang mga kilos nitong si JG nang katabi sa stage si Janella, ha? Behave ang damungkang at ‘di tulad nu’ng sila pa ni Julia na kapag may presscon, susme, sobrang wagas ang kanilang PDA (public display of affection) sa isa’t isa.
Nandu’n pa na inaamuy-amoy nila ang isa’t isa at laging magkadikit na sobrang lagkit, na tipong kalamay sa lagkit. Nandu’n din ‘yung kinikiliti pa ni Joshua ang kili-kili ni Julia, etcetera, etcetera.
Pero kay Janella, behave lang talaga si Joshua dahil kung hindi, gotla (lagot) siya sa present boyfriend ni Janella named Markus Paterson, devah naman, Elmo Magalona na ex-BF ni Janella? ‘Yun, oh!
And take note, tipong lalong naging pogi si Joshua ‘coz tumaba nang konti at mukhang ‘di naman affected sa Gerald-Julia romantic isyu.
Pero kahit nga medyo tumaba at nagkalaman nang konti si JG ay ‘di rin naman namin masasabing puwede siyang tawaging “romantic baboy” na kinakainan namin sa ilang malls para feeling romantic si yours truly lagi, charrr!
Sa true lang, puwede siyang gumanap bilang younger brother ni Alden Richards kapag siya naman ang hiniram ng GMA Pictures na tulad ng ginawa ng Star Cinema kay Alden para itambal kay Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye. Kasi, may anggulong hawig si JG kay Alden habang pinagmamasdan namin siya sa stage ng Dolphy Theater du’n sa grand mediacon ng The Killer Bride.
If ever na hiramin nga itong si JG ng GMA Pictures, ang type namin ay itambal siya kay Pauline Mendoza na nali-link romantically sa kanya, ayon na rin sa nasasagap naming bali-balita recently. ‘Yun na!





Comments