Abu sayyaf member nasakote
- Pabs Hernandez III
- Jul 30, 2019
- 1 min read
ZAMBOANGA SIBUGAY — Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bangkaw-Bangkaw, Naga.
Kinilala ang suspek na si Isnaji Hassim, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad sa kinaroroonan ni Hassim kaya agad rumesponde ang tropa ng pamahalaan at inaresto ang suspek.
Hindi naman nanlaban si Hassim nang dakpin ito ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments