5 tulak timbog sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Jul 30, 2019
- 1 min read
CEBU—Limang drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bulacao, Talisay City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Philip Mabalcon, Michael Salinas, Remegio Abalo, Roel Ranoa at Elisio Tisoy, pawang nakatira sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 59 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments