top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

20% student discount sa mga dyip, bus, traysikel etc., batas na! Suspensiyon sa lisensiya at multa s

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2019
  • 2 min read

SA wakas, ganap nang batas ang Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act. kung saan ipakikita lamang ang kanilang school I.D. para ma­pag­kalooban ng 20 porsiyentong dis­ku­wento ang milyun-milyong mag-aaral sa ele­mentarya, high school, kolehiyo at technical-vo­cational sa anumang uri ng public transpor­tation sa bu­ong bansa.

Sakop ng batas kung saan ang inyong ling­kod ay co-author sa bersiyon nito sa Senado, ang pagsakay sa jeep, bus, UV Express van, taxi, transport network vehicle service (TNVS), barko, eroplano at tren — Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR).

Unang inihain ang mga panukala sa ika-17 Kongreso noong 2016 na Senate Bill 1226 o Student Privilege Act at Senate Bill 1597 o Stu­dent Fare Discount Act na pinangunahan ng ating seatmate na si Senator Sonny Angara.

Hindi ba, sa pag-aaral, alam nating sari-sa­ring gastusin ang iniintindi ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang at hindi mawawala rito ang kanilang pamasahe papuntang paaralan at pabalik ng kanilang bahay?

Marami sa ating mga estudyante ay limitado lang ang allowance o baon kada araw dulot ng mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado at kagipitan sa bulsa ng pamilya kaya kung minsan ay naisasakripisyo nila ang kanilang pagkain o iba pang gastusin para lang mapagkasya ang ka­nilang pamasahe papasok at pauwi.

Bagama’t, mayroong kasalukuyang disku­wen­to para sa mga estudyante, tuwing Lunes hang­­gang Biyernes, summer class at mula Hunyo hanggang Marso lamang tinatanggap ito. Isa pa, hindi rin kabilang ang holidays.

Ngunit, simula ngayon, wala nang limi­tasyon dahil buong linggo kasama ang holidays, maaari nang magamit ang nasabing diskuwento para sa mga kabataan, taun-taon.

Kaya kung mapatunayang may paglabag sa batas ang anumang public transportation utility ay sususpendihin ang lisensiya ng driver nang isang buwan para sa first offense, dala­wang buwan para sa second offense, tatlong bu­wan naman para sa third offense na may kasamang P1,000 multa sa bawat kasunod na paglabag.

Maaaring magpadala ng reklamo ang estud­yante sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung ang land public transportation ay tinatanggihan silang bigyan ng diskuwento.

Para sa mga tricycle na­man ay maaaring mag-ulat sa tanggapan ng alkalde.

Bukas ang tanggapan ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Civil Aeronautics Board (CAB) para sa ulat ng mga mag-aaral na pasahero sa mga barko at eroplano.

Habang sa Department of Transportation (DOTr) ang reklamo ng mga pasahero ng LRT, MRT at PNR.

Ang hindi kabilang sa serbisyo ay ang mga estudyanteng naka-enroll sa mga in­formal short-term course tulad ng dancing, music, swimming at driving lesson at post-gra­duate studies tulad ng medicine, law, masters at doctorate degree.

Hindi rin sakop ng batas ang mga school service, shuttle service at tourist service.

Naniniwala tayong ang diskuwento sa pa­sahe ay malaking ginhawa sa pang-araw-araw na gastusin hindi lamang ng mga mag-aaral kundi lalo pa sa kanilang mga magulang.

Kaya naman, huwag sana itong maipagkait sa kanila, sa halip, talagang masulit nila ito nang lubusan!

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page