2 grupong nagkakamal ng P30 milyon kada araw sa STL, ipinatotokhang na
- BULGAR

- Jul 30, 2019
- 1 min read
MALAMANG, NANGGAGALAITI SA INIS SINA SOLGEN. CALIDA AT ATTY. GADON SA PAGTAAS NG RATING NI VP LENI—Humataw ang rating ni Vice-Pres. Leni Robredo sa survey ng Makati Business Club (MBC).
Naku, tiyak na nanggagalaiti sa inis sina Solicitor General Jose Calida at Atty. Larry Gadon sa balitang ‘yan at baka ito pa ang maging dahilan para lalong pursigihin ng dalawang ito (Calida at Gadon) na ipa-impeach si VP Leni, boom!
◘◘◘
SABLAY NA “DEATH PENALTY” SA DIYOS, PUWEDENG MANGYARI SA INOSENTENG MAMAMAYAN — Ang sabi ni Sen. Manny Pacquiao, kaya raw siya pabor sa death penalty ay dahil maging ang Diyos noon ay napan din ng parusang kamatayan. Pero ayon kay ex-Quezon Rep. Erin Tañada, mali ang naging hatol na kamatayan sa Diyos dahil inosente ito.
Kung ganu’n, ang kaso ng Diyos ang dapat gawing batayan para huwag matuloy ang death penalty dahil maaaring danasin din ito ng mga inosenteng mamamayan, period!
◘◘◘
‘AGUILAR GROUP’ AT ‘MISIANO GROUP’, DAPAT IPATOKHANG NA NI P-DUTERTE — Ibinulgar ni PCSO Board Member Sandra Cam na kabilang daw ang “Aguilar Group” at “Misiano Group” sa nagkakamal ng P25 milyon hanggang P30 milyon isang araw gamit ang STL franchise ng PCSO.
Kailan kaya ipatotokhang ni P-Duterte ang mga kasapi ng dalawang grupong ‘yan? Abangan!





Comments