15-anyos nalunod sa tubig-ulan, dedo

NALUNOD at namatay ang isang binatilyo habang nagpapraktis na lumangoy sa isang malalim na hukay na puno ng tubig-ulan sa Argao, Cebu, noong Sabado.
Dead-on-arrival sa ospital si alyas Chester, 15-anyos.
Batay sa nakuhang report kay Police Staff Sergeant Alejandro Dayaganon, alas-2:00 ng hapon nang malunod ito sa hukay na puno ng tubig-ulan na tinatayang nasa mahigit anim na talampakan ang lalim sa Sitio Baclao, Bgy. Mabasa.
Napag-alaman sa imbestigasyon na nagpapraktis umanong lumangoy ang biktima kasama ang tatlo pa nitong pinsan nang maganap ang insidente.
Sa una ay nasa mababaw lamang umano na bahagi ng tubig lumalangoy ang biktima hanggang sa mapadako sa malalim.
Binakuran na ng mga awtoridad ang palibot ng hukay at binawalan na rin ang mga residente na magtungo sa lugar.





Comments