top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

THE CATALYST NANAIG

  • Ding Taboy
  • Jul 29, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

NAGULANTANG ang bayang karerista sa pag­kakapanalo ng The Catalyst laban sa super li­yamadong Bebang na nag­bigay ng magandang dibi­dendo sa Winner Take All (WTA), Pick 6 at Pick 5 sa karerang naganap ni­tong Sabado sa San Lazaro Lei­sure Park, Carmona, Ca­vite.

Sa pagbukas ng starting gate, tulad ng inaasahan, kinuha agad ni Bebang ang unahan habang na ka­sunod pa rin ang King Gil at paparating ang The Ca­talyst.

Pagsapit sa tres octavo, dumikit na ang The Cata­lyst at nilagpasan ang Be­bang at dito nagpukpu­kan ang dalawa habang kasu­nod ang pangatlong kaba­yong King Gil.

Walang anumang ni­lampasan ng The Catalyst ang nauunang outstanding favorite na Bebang hang­gang pagsapit sa finish line na may apat na kabayo ang layo mula sa mga kalaban.

Pinagwagian ng Pen­dant ang sumunod na ka­rera makaraang talunin ang liyamadong Hail Storm, Classic Gee at Hayaku Jabez.

Nagbabakbakan sa unahan ang Hail Storm, Hayaku Jabez at Classic Gee habang nagpapalakas pa ang Pendant.

Pagsapit ng huling 300 meter na karera, sumusu­ngaw na ang Pendant ha­bang nag-aagawan sa unahan ang Hail Storm at Classic Gee.

Sa huling 200 meter, nakisali na sa pagpagan sa unahan ang Classic Gee at Hail Storm hanggang su­mapit ng 100 meters ay kinuha ng Pendant ang unahan hanggang tawirin ang finish line.

Sumunod na laban na pinagwagian ng liyama­dong Guenevere at puma­ngalawa ang Indelible Quaker ang Race 6.

Sa pagtatapos ng ka­rera sa Race 7 na pinagwa­gian ng Super Sonic, nag­bigay sa WTA ng P281,064.60, Pick 6 ng P52,054,80 at sa Pick 5 ay naghatid ng P4,266.60.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page