P500 thou na multa at kulong sa dentistang walang lisensiya at permit

Dear Chief Acosta,
Nagbubunot at nagpa-pasta ng ngipin ang kapitbahay namin kahit hindi naman siya nag-aral ng Dentistry at wala siyang lisensiya para rito. Maaari ba siyang maparusahan dahil dito? — Monica
Dear Monica,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 33 (a) ng Republic Act No. 9484 o mas kilala sa tawag na “The Philippine Dental Act of 2007” kung saan nakasaad na:
“Sec. 33. Penal Provision. – The following, shall be punished by a fine of not less than two hundred thousand pesos (P200,000) nor more than five hundred thousand pesos (P500,000) or to suffer imprisonment for a period of not less than two years and one day nor more than five years, or both, in the discretion of the court:
(a) Any person who shall practice dentistry, dental hygiene or dental technology in the Philippines as defined in this Act, without a certificate of registration and professional identification card and special permit issued in accordance with the provisions of this Act, or has been declared exempt;” (Binigyang-diin)
Malinaw sa batas na may parusa ng pagbabayad ng multa o/at pagkakakulong ang sinumang magpapraktis ng Dentistry na walang lisensiya o special permit hingil sa propesyong ito. Samakatwid, hindi legal ang ginagawa ng inyong kapitbahay na magbunot at mag-pasta ng ngipin na wala siyang lisensiya para rito. Maaari siyang mapanagot sa ilalim ng ating batas hinggil dito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments