top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

P-Digong, next erap dahil sa jueteng!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2019
  • 2 min read

NATUPAD ang “wish” ni P-Digong kontra korupsiyon nang biglang lumindol nang malakas noong Sabado.

Huh, Batasan ‘ang sinabi’ ni P-Digong, hindi Batanes!

◘◘◘

AABOT sa mahigit 100 ang Customs personnel na sisibakin at kakasuhan dahil sa korupsiyon.

P-Digong, mag-wish ka pa, baka ma-bullseye na ang Adwana!

◘◘◘

DAHIL sa sobrang korupsiyon, hindi ang Kongreso at Malacañang ang ipinasara ni P-Digong.

Biglang isinarado ang PCSO nang parang kidlat!

◘◘◘

ANG STL ay pinatatakbo raw mismo ng mga jueteng lord.

Matagal na ‘yan!

◘◘◘

ANO ang kahulugan sa ‘pagsasarado’ ng PCSO?

Ibig sabihin, balik ang tradisyunal na jueteng, nasa ilalim ito ngayon ng mga gangster at mafia!

◘◘◘

BUHAY ang intelihensiya ng mga pulis-patola.

Kapag walang “tongpats” huli ka, kapag okay ang “tara”, tuluy-tuloy lang ang “bola ng papelitos” sa bumibiyaheng jeepney sa probinsiya!

◘◘◘

KAPAG sinuri ang dokumento ng STL, lalabas ang “pangalan” mismo ng gambling lords at mga “dummies”.

Malinaw ang ebiden­siya sa STL cum jueteng!

◘◘◘

HINDI maaaring umi­ral nang mahabang panahon ang STL cum jueteng nang walang “tongpats” sa mga ehekutibo ng PCSO.

Ang STL cum jueteng ay “kanser” sa korup na gobyerno!

◘◘◘

MAGING ang lotto ay kaduda-duda dahil may 2 winners; 3 winners at 4 winners sa jackpot.

Ang solo winner, batay sa matematika ay halos imposible, bakit nagkakaroon ng multiple winner?

◘◘◘

BUMAGSAK sa poder si ‘Erap’ dahil sa jueteng na tinangkang isa-legal.

Ngayon, si P-Digong ba ang babagsak o sino sa kanyang mga “alalay” ang masisibak?

◘◘◘

MAY prangkisa ang mga lotto outlet, makakasuhan ba ang gobyerno kapag binalewala ito?

Maselang debate ‘yan!

◘◘◘

NAPAKARAMING nawalan ng trabaho sa pagsasarado ng lotto outlets at iba pang PCSO games.

Maraming lotto outlets ang biglang nabangkarote.

Milyun-milyong adik sa lotto ang nawalan ng “pangarap”, pero nailigtas ang kanilang salapi!

◘◘◘

SA lotto, kahit hindi ka pa nananalo at tumataya pa lamang, may “tax” agad ang kada taya mo.

Isang raket na ang biktima ay ordinaryong mamamayan.

Dapat talagang isarado ito!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page