top of page
Pokwang.jpg

Abangan ang bangayan ng mga mambabatas!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29, 2019
1 min read

BANGAYAN NG MGA KONGRE­SISTA AT SENADOR, ABANGAN! —Isinulong ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na dagdagan ng isang taon ang termino ng mga kongresista at local official na nagwagi noong nakaraang eleksiyon. Ibig sabihin, magiging apat na taon na ang kanilang termino at babawasan naman daw ng dalawang taon ang anim na taong termino ng mga senador at gawin na lang itong apat na taon.

Dagdag-termino sa mga kongre­sista at local official, samantalang, bawas-termino naman sa mga senador? Aba, gulo ‘yan! At dahil d’yan, asahan nang magbabangayan ang mga kongresista at sena­dor sa isyung ito, abangan!

◘◘◘

BAKA MAGLA­BAN-BAWI NA NA­MAN SI SEC. LO­REN­­ZANA —Ibinul­gar ni Defense Sec. Delfin Loren­zana na may pangyayari raw na apat na beses dumaan sa West Philippine Sea (WPS) ang mga barkong-pandigma ng China nang walang abiso sa Philippine government.

Baka maglaban-bawi na naman si Sec. Lorenzana sa statament niyang ‘yan kapag nasita siya ni P-Duterte, kasi noon, siya rin ang nagbulgar na binangga raw ng Chinese vessel ang bangkang-pangisda ng mga Pilipino sa WPS, pero nang masita ng pangulo, nag-iba na ang statement niya, hindi raw pala binangga kundi aksidente lang daw ang nangyari, boom!

◘◘◘

SA PAGSASARA NG MGA PASUGALAN NG PCSO, HAPPY ANG MGA JUETENG LORD—Ngayong sarado na ang mga palaro o pasugalan ng PCSO, tiyak na mayroong mga nagsisipaglundagan sa tuwa.

Ang mga naglulundagan sa tuwa, siyempre, ang mga jueteng lord, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page