SONG OF SONGS, PATOK
- Ding Taboy
- Jul 28, 2019
- 2 min read

MAGAGANAP ngayong hapon ang 2019 Philracom Rating Based Handicapping System (PRBHS) na paglalabanan ng mga kalahok sa pagpapatuloy ng karera sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
May nakalaang papremyo sa unang apat na makatatawid sa finish line sa 9 karera ng PRBHS race at 3-Year-Old Group Race at dalawang 3-Year-Old & Above maiden Race. Unang magaganap ang Race 1 kasabay ng 1st Winner Take All (WTA) na nakalalamang ang Shining Courage habang makakalaban ang Ashley’s Gift at Hayley Margarette.
Sa Race 2, mahigpit na maglalaban ang Lava Walker at Makarit at magbabanta ang mga kalaban na Call To Honour at Valley Cat.
Ipinapatok ang kalahok na San Rafael habang ang Highway Hills na entry ni Benhur Abalos, Jr. ay sa Race 3 para sa PRBHS.
Sa Race 4, nakalalamang ang Scarborough Shoal at makakalaban ang Gomper Girl at Hot and Spicy. Magsisilbing parating sa 1St Pick 5 sa Race 5 ang Garantisado at couple entry na Lemonada at Hamlet, isama sa quartet ang couple entry na Don Albertini at Icon.
Sa magaganap na 2nd WTA sa Race 6, ipinapatok ang Humble Submission habang ang couple entry na Aston Martin at Air Class ang tatalo. Sa race 7, nakalalamang ang Boni Avenue habang binibigyan ng panalo ang Belle Royale at isama sa Quartet at Pentafecta ang Speak Easy, Good Voyage at couple entry na Tenseventeen at Mighty Pride.
Nakalalamang ang Song of Songs habang panegunda ang Heiress of Hope at Disyembreasais sa Race 8 na umpisa ng 2nd Pick 5. Mahigpit na maglalaban ang Nice Yun Halo at Magnum Force sa Race 9 habang ang Dealmaker ay subukan sa Trifecta at parating sa Quartet at Pentafecta kasama ang Alezzandro at Lake Music.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Shining Courage (5) Hayley Margarette (2) Race 2- Lava Walker (4) Makarit (2) Race 3- San Rafael (2) Happy Maggie (3) Highway Hills (4) Race 4- Scarborugh Shoal (3) Gomper Girl (4) Race 5- Entry No.6 Garantisado (4) Race 6- Humble Submission (3) Entry No.4 Race 7- Boni Avenue (1) Belle Royale (2) Race 8- Song of Songs, Heiress of Gold (1) Race 9- Nice Yun Halo (4) Magnum Force (4) Race 10- Lucky Saver (2) Bond’s Mission (5) Race 11- Navy Cut (4) Sky Plus (6) Legionaire (10) Race 11- Entry No.3 Blue Blood (2) 1St WTA (1-7) 5/2-4/2/3-4/4-6/3/1-2/ 2nd WTA (6-12) 3/1-2/5/4-5/2-4-5/4-6-10/3/ 1St Pick 6 (3-8) 2/3-4/4-6/3/1-2/5 2nd Pick 6 (7-12) 1-2/5/4-5/2-4-5/4-6-10/3 1St Pick 5 (5-9) 4-6/3/1-2/5/4-5/ 2nd Pick 5 (8-12) 5/4-5/2-4-5/4-6-10/3/ Pick 4 (9-12) 4-5/2-4-5/4-6-10/3.





Comments