SMB, IKINULONG ANG ROS SA BOTE NG GAME 1


NAGPAKITANG gilas si import Chris Mccullough upang akbayan ang San Miguel Beer sa 111-105 panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals kagabi sa Araneta Coliseum.
Nagtala si McCullough ng 32 points, 14 rebounds at 5 assists upang ilista ang 1-0 serye at lumakas ang tsansa na sumampa sa championship round. Umarangkada ang E-Painters sa unang dalawang quarters, hinawakan niya ang 6-point lead, 52-46 sa halftime.
Pumihit ang hangin sa Beermen sa third canto, naagaw nila ang bandera, 85-83 papasok ng 4th.
Samantala, pakay ng TNT KaTropa na pindutin ang pangalawang sunod na panalo pagharap nila sa crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings sa Game 2 ng kanilang best-of-5 semifinals series.
Muling sasandalan ng KaTropa ang malupit na import na si Terrence Jones upang makuha ang panalo at mamuro sa pagsama sa championship round.
Nangalabaw si dating National Basketball Association, (NBA) Jones ng 24 points, 12 rebounds at pitong assists sa kanilang panalo sa Gin Kings, 95-92 sa Game 1. Malaking tulong din ang iniambag ni Troy Rosario na tumikada ng 24 markers at 10 boards para sa KaTropa na naghabol sa second half.
Masaya si TNT coach Bong Ravena sa ipinakitang depensa ng kanyang bataan sa homestretch ng laban.
“I guess, obviously, defense got us the win. It really helped us, especially during the end of the game. We made some crucial stops,” saad ni Ravena. “This win will not matter if we don’t come back again in two days. So we have to prepare again. Hindi puwedeng mag-relax because Ginebra will come back, alam na natin iyan.” Para sa Gin Kings inaasahang itotodo nila ang lahat para makatabla sa serye, huhugot sila ng lakas kay best import Justin Brownlee.
Samantala, dalawang rookies at isang beterano ang nangungunga sa statistical race noong quarterfinals. Ang no. 2 pick ng 2018 draft na si Blackwater Ray Parks ang nangunguna sa liga sa 37.2 SPs built around averages na 22.1 points. Kasunod si Columbian CJ Perez, ang league’s top rookie, sa 35.1 SPs at 22.7 points per game, at si Jayson Castro ay patas kay Perez sa 35.1 SPs. Nakumpleto nina Five-time MVP June Mar Fajardo (33.8 SPs) at RR Pogoy (33.2 SPs) ang top 5. Nasa top 10 ng best player of the conference race sina Robert Bolick, Sean Anthony, Chris Banchero, Mo Tautuaa, at Matthew Wright. (ATD/MC)





Comments