Sanction sa mga Chinese na bumangga sa bangka ng mga pinoy sa WPS, tuloy
- Mylene Alfonso
- Jul 28, 2019
- 1 min read

IGINIIT ng Malacañang na dapat mapatawan ng sanction ang crew ng Chinese vessel na bumangga sa bangka ng mga Pilipino sa Recto Bank noong June 9.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailanman ay hindi nila iniatras ang nasabing posisyon taliwas sa maling narratives na ginagawa ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Inakusahan din ni Panelo ang mga kritiko ng paggamit sa anti-China views para i-discredit ang diplomatic strategy ng pangulo.
“We share the public opinion that China should sanction the crew members of the involved vessel which carried its flag,” ani Panelo.
“This position has never wavered, contrary to the false narratives made by the president’s most vocal critics and detractors who have been busy stoking anti-China views with the sole aim of discrediting the diplomatic strategy of the president — to no avail,” dagdag pa nito.
Ang naging pahayag ni Panelo ay makaraang lumabas sa Pulse Asia survey na apat sa sampung Pilipino ang gustong patawan ng gobyerno ng sanction ang mga Chinese na sangkot sa pagpapalubog ng bangka ng mga Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).





Comments