Pulis, 2 bebot timbog sa droga

APAT na umano’y listed/pusher kabilang ang isang pulis at dalawang babae ang arestado sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces ang naarestong pulis na si Pat. Jun Acosta, 42, nakatalaga sa DPIOU-NPD, residente ng Novaliches, Quezon City. Arestado rin sina Vanessa Bayani alyas Vane, 28; Marianne Salas alyas Madonna, 34, at Randy delos Santos, 37.
Ayon kay Col. Gaces, alas-5:15 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr., sa koordinasyon sa PDEA ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Malinta.
Agad dinamba ang mga suspek matapos iabot ang sachet ng shabu kay PCpl. Robbie Vasquez na umaktong poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.
Narekober sa mga suspek ang anim na sachets ng hinihinalang shabu, buy-bust money, PNP ID at dalawang motorsiklo.





Comments