PAGPILI NG LIDER SA POC, HUHUSGAHAN NA NGAYON

AALAMIN ngayong araw kung sino ang uupo bilang bagong pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) na gaganapin sa Century Park Hotel sa Manila.
Matunog na maglalaban sina Abraham “Bambol” Tolentino ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) at Philip Ella Juico ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) bilang mga pangunahing kandidato sa mataas na puwesto ng Olympic body ng bansa.
Alinsunod ang aksiyon sa utos ng International Olympic Committee (IOC) at Olympic Council of Asia (OCA) na magkaroon ng halalan sa mga bakanteng posisyon matapos ang pagre-resign ng ilang miyembro ng POC na pinangunahan ni dating president Ricky Vargas.
Dadaluhan ang naturang eleksyon ng 47 regular members, na binubuo ng 44 National Sports Associations (NSAs) voters para punan ang mga posisyong binakante nina dating president Ricky Vargas, chairman Abraham Tolentino at sina board members Clint Aranas at Cynthia Carreon.
Naroon din sa naturang event ang kinatawan ng IOC at OCA na si Indian Olympic Committee (IOC) president Dr. Narinder Dhruv Batra bilang tagapagmasid, samantala, si IOC representative Mikee Cojuangco-Jaworski ay naroon din.





Comments