Isang araw bago ang championship | night club gumuho: 2 patay, 17 foreign athletes, grabe!
- Jersey Sanchez
- Jul 28, 2019
- 1 min read
PATAY ang dalawa katao habang sugatan ang 17 foreign athletes na may laban sa FINA World Championships nang gumuho ang loft ng nightclub sa Gwangju, South Korea.
Batay sa impormasyon, ang dalawang nasawi ay pawang Koreano habang ang 17 iba pa ay kinabibilangan ng 4 Americans. 2 New Zealand nationals, 1 Dutch, 1 Italian at 1 Brazilian.
Naganap ang insidente alas-2:39 ng madaling-araw (local time) kahapon, ayon sa tweet ng South Korean Ministry of Public Administration and Security.
Ayon sa mga saksi, nasa mahigit 100 ang tao sa loft area nang maganap ang pagguho.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente upang makumpirma ang sanhi nito.
Naganap ang insidente isang araw bago ang championships.





Comments