top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Holdaper-tulak todas sa pulis

Madel Moratillo
Jul 28, 2019
1 min read

PATAY ang umano’y notoryus na holdaper at drug pusher sa Marikina at mga kalapit na lugar, matapos manlaban habang inaaresto ng mga awtoridad sa kanilang hideout sa Antipolo City.Ayon sa Marikina City Police, kinilala ang suspek na si Mark Marcus Eusebio, 33, ng Bgy. Cupang, Antipolo City. Bago ang engkuwentro, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Marikina City Police na ang grupo ni Art Cris Viloria ay nagtatago sa isang bahay sa Sitio Tumana, kaya agad na nagtungo sa lugar upang magsagawa ng surveillance operation.

Sumalakay ang mga awtoridad nang makumpirmang nasa loob si Viloria at kanyang grupo ngunit, nakatunog ang mga suspek at sinalubong ng mga putok ng baril ang mga alagad ng batas, habang tinatangkang magsitakas. Napilitan namang gumanti ng putok ang mga awtoridad habang hinahabol ang mga suspek na nagresulta sa pagkamatay ni Eusebio, na itinuturing umanong pinakaaktibong miyembro ng grupo pagdating sa pagpapakalat ng droga sa Marikina City. Nakatakas naman si Viloria, na may nakabimbing tatlong warrant of arrests sa mga kasong robbery at usurpation of authority sa piskalya at iba pa niyang kasamahan.

Narekober ng mga awtoridad mula sa crime scene ang baril na kargado ng mga bala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page