Habang kasama ang GF kelot pinagbabaril

UTAS sa dalawang tama ng bala sa katawan ang 18-anyos na binata matapos barilin sa Bgy. Sinisian, Calaca, Batangas.
Alas-7:30 ng gabi, habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Jonathan Seco, kasama ang kanyang girlfriend nang pasukin ng suspek na si Jose Dimailig alyas Buknoy.
Agad nitong binaril ng dalawang beses sa katawan ang biktima gamit ang cal. .9 mm saka tumakas. Dead-on-the-spot ang biktima habang pinaghahanap pa ang suspek.
Patuloy din ang pag-iimbestiga sa motibo ng krimen.





Comments