top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

8 patay sa magnitude 5.4 at 5.9 sa Batanes

V. Reyes
Jul 28, 2019
1 min read

WALO katao ang nasawi habang hindi bababa sa 60 ang sugatan nang yanigin ng sunud-sunod na malalakas na lindol ang bayan ng Itbayat sa Batanes, kahapon ng madaling-araw.

Nabatid mula sa Batanes Provincial Disaster Risk Re­duction and Management Council (PDRRMC) na ka­bilang sa mga narekober na bangkay ang 88-anyos na sina Tito Asa; Teresita Gu­laga, 76; Fausta Caan, 73 at Jen­ward Hina, 31.

Nakuha na rin ang bang­kay ng bagong silang na sina Fiona Valiente; Haisuly Na­quita, 5; Mary Rose Va­liente, 13, at Eva Valiente, 19. Karamihan sa mga na­sawi ay natabunan ng mga gumuhong bahay at gusali na gawa sa limestone.

Gumuho rin ang Sim­bahan ng Nuestra Señora del Rosario sa Itbayat.

◘◘◘

Magkakasunod na malakas na lindol

ALAS-4:16 ng mada­ling-araw nang maitala ang Magnitude 5.4 na lindol sa Itbayat kung saan naitala ang Intensity VI at ang Intensity III sa mga bayan ng Basco at Sabtang.

Ayon kay Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology Director Renato Solidum, ang Magnitude 5.4 ay ang tinatawag na “pre-shock” na pagyanig.

Gayunman, naitala ang tinatawag na main shock na Magnitude 5.9 alas-7:37 ng umaga at naramdaman ang Intensity VII sa Itbayat; In­ten­sity V sa Basco at Inten­sity IV sa Sabtang at Ivana.

Nasundan ito ng mahi­hinang aftershock ngunit, alas-9:24 ng umaga nang maitala ang Magnitude 5.8 na aftershock at naramda­man naman ang Intensity IV sa Basco.

Sinasabing Biyernes pa lamang ay nakararamdaman na ng mga paglindol sa lala­wigan.

Hindi na inasahan ng Phi­volcs na magdudulot ng tsu­nami ang mga lindol dahil hindi pa umano sapat ang magnitude nito para maka­likha ng tsunami.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page