Sen. Pacquiao: Firing squad sa mga adik, lethal injection sa mga mandarambong
- BULGAR

- Jul 27, 2019
- 1 min read
ANG SUWERTE NG MGA PLUNDERER SA PANUKALANG DEATH PENALTY NI SEN. PACQUIAO—Sa panukalang death penalty ni Sen. Manny Pacquiao, ipa-firing squad daw ang mga sangkot sa iligal na droga at lethal injection naman sa mga plunderer.
Ang suwerte naman ng mga plunderer sa panukala ni 'Pacman' kasi “injection” lang na pampatulog na wala nang gisingan ang parusa sa kanila, buwisit!
◘◘◘
JOKE DIN PALA ANG CAMPAIGN PROMISE NI P-DUTERTE NA WAWAKASAN NA NIYA ANG ENDO — Noon, tatawa-tawang sinabi ni P-Duterte na joke lang daw ang campaign promise niya noong 2016 Presidential Elections na magdye-jetski siya patungo sa Spratly Island para ipamukha sa China na pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS) at ngayon ay lumalabas na joke rin pala niya ang isa pang campaign promise na wawakasan na ang endo o kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa sa bansa.
Tuluyan na kasing ibinasura ni P-Duterte ang “Security of Tenure” Bill. Ibig sabihin, tuloy ang kontraktuwalisasyon ng mga kumpanya sa kanilang mga manggagawa, hu-hu-hu!
◘◘◘
MABUTI PA SI MAYOR ISKO, INIISIP KUNG PAANO MAKATUTULONG SA KAPWA, ‘YUNG IBANG MAYOR, INILALAGAY SA BULSA ANG INIISIP—Inaprubahan na ni Mayor Isko Moreno ang pagkakaloob ng P500 monthly allowance sa lahat ng Grade 12 students sa public schools, solo parents, person’s with disability (PWD) at senior citizens sa Maynila.
Mabuti pa si Mayor Isko, ang iniisip ay kung paano makatutulong sa mga mahihirap na residente ng Maynila, pero ‘yung ibang mayor, inilalagay sa sarili nilang bulsa ang iniisip, boom!





Comments