top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pramis ni P-Digong na ‘stop endo’, napako!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 27, 2019
1 min read

TULOY ang endo!

“At tumigil ang mundo…,” napakanta na lang ang mga manggagawa.

Tatlong taong umasa na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako noong kampanya na tu­tul­dukan na ang ‘endo’ o end of contract.

Pramis na wala nang “555” o kada limang buwan, tambay na na­man, requirements na naman at utang na naman!

‘Pag sinuwerte, ire-renew pero, hanggang pangarap lang na ma-regular, ‘ika nga nila, sa kontraktuwalisasyon, may forever!

Habang dismayado ang mga kontraktuwal sa pag-veto ng pangulo sa Security of Tenure Bill, natuwa naman ang grupo ng mga employer. Anila, ang pagwawakas ng endo ay magreresulta sa kawalan ng trabaho at hindi magandang epekto sa investments.

Gayunman, naniniwala tayong sinikap na maging mabuti at patas ang pagbalangkas sa nasabing panukala. Tiniyak na walang madedehadong partido — sa panig ng mga manggagawa at negosyante.

Sadyang sa ngayon, hindi pa kaya o ayaw pang tuparin ng pangulo ang kanyang ipinangako?

Isa lang ang malinaw, tuloy ang endo.

Sa kabilang banda, natutuwa tayo sa mga kumpanyang tinu­tugunan ang pangangailangan at karapatan ng mga uring mang­gagawa mula sa tamang pasuweldo hanggang sa mga benepisyo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page