top of page
Pokwang.jpg

Partylist, ginamit ng mga negosyante para maisahan si P-Digong

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 27, 2019
2 min read

IBINASURA ni P-Digong ang ‘endo’.

Salamat sa mga bigtime businessman na campaign donors!

◘◘◘

NOONG panahon ni ex-P-Marcos, bawal ang kontraktuwalisasyon.

Eh, bakit hindi puwede ngayon?

◘◘◘

HINDI natakot si ex-P-Marcos sa mga oligarko.

Malinaw na naduwag si P-Digong sa kanyang mga financier.

Hindi totoong wala siyang kaibigang bigtime businessmen!

◘◘◘

PAGDUDUDAHAN na ngayon ang personalidad ni P-Digong.

Ang pagbasura sa ‘endo’ ay magiging waterloo ng pangulo. ‘Yan ang bahagi ng kanyang “tuhod” na nirarayuma!

◘◘◘

MATUTUWA ang CPP-NPA-NDF sa pagbasura sa ‘endo’.

Gagamitin nila ito upang makaakit ng bagong miyembro sa hanay ng mga obrero!

◘◘◘

MAKIKITA nating ang demokrasya ay hindi pabor sa mga anak-pawis at ordinaryong mamamayan.

Ang demokrasya ay para sa mga multi-bilyunaryo lamang!

◘◘◘

ANG partylist system na binuo upang magkaroon ng tinig ang mga “naagrabiyado” ay pinamumunuan ng pinakamayamang “kongresista”.

Lintek na batas ‘yan!

◘◘◘

ANG partylist coalition na binubuo ng mga proxy ng mga bilyunaryo ay kontra sa ‘walang endo’.

Nagtagumpay ang mga hanep na “i-blackmail” ang pangulo!

◘◘◘

KAAWA-AWA ang mga manggagawa.

Kung bigo ang pangulo na ipatupad ang pagbabawal sa ‘endo’, sino ang aasahan ng mga pobreng manggagawa?

◘◘◘

WALANG tinig ang mga obrero sa Kongreso.

Dahil ang mayorya rito ay maka-kapitalista imbes na maka-obrero!

◘◘◘

WALA na sina Gat Amado V. Hernandez at Blas F. Ople na handang depensahan ang hanay ng mga manggagawa.

Ang mga kumakatawan sa mga obrero ngayon ay mga inutil at proxy lang ng mga negosyante!

◘◘◘

KAILANGANG bantayan ni P-Digong ang hanay ng mga manggagawa.

Wala na kasing pag-asa pa ang mga obrero na maipagbawal ang ‘endo’!

◘◘◘

MATUTUWA ang CPP-NPA-NDF sapagkat magagamit nila ang isyung ito para sa malawakang recruitment ng mga miyembro.

Napahina ni ex-P-Marcos ang komunismo nang ipagbawal niya ang ‘endo’.

Nakalulungkot at nakadidismaya sapagkat naduwag daw ang pangulo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page